Balasahan ipatutupad sa PNP; 20 police generals at colonels ang maaapektuhan

Magpapatupad ng balasahan ang Philippine National Police (PNP) sa susunod na mga araw.

Ayon kay PNP chief Gen. Archie Gamboa, kabilang sa maaapektuhan ng balasahan ang ansa 20 mga police generals at police colonels.

Pero agad nilinaw ni Gamboa na ang revamp ay dahil sa nakatakdang pagreretiro ng ilang PNP generals.

May mga opisyal ding isasailalim sa revamp sa kasagsagan ng pagpapatuloy ng buwanang performance evaluation ng PNP.

Ani Gamboa, sa ginagawang performance evaluation ibabase kung ang isang opisyal ay sisibakin o ililipat ng pwesto.

Read more...