7 PUIs sa COVID-19 sa Region 2 negatibo na sa tests

Negatibo sa tests ang pitong persons under investigations sa Region 2 dahil sa COVID-19.

Ayon sa Department of Health Region 2, sa pitong PUIs sa Cagayan, 6 na ang nag-negatibo sa pagsusuri.

Ang isang 38 anyos na babae naman na mula sa bayan ng Lasam at at mayroong history ng pagbiyahe sa Hong Kong ay inaantay pa ang result ang laboratory tests.

Sa Isabela naman, negatibo sa pagsusuri ang isang PUI mula sa bayan ng Cauayan.

Habang hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri sa dalawa pang pasyente mula sa mga bayan ng Reina ercedes at Dinapigue na kapwa mayroong history ng pagbiyahe sa Hong Kong.

Read more...