2 suspek sa ilegal na droga patay sa buy bust sa Sorsogon at CamSur

Dalawa ang nasawi sa magkahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa Sorsogon at Camarines Sur.

Unang nagkasa ng operasyon ang mga pulis sa Brgy. Sampaloc sa Sorsogon City laban sa suspek na si Alvin Dichoso.

Ayon kay Pol. Col. Roque Bausa, Sorsogon police director, bumunot ng baril ang suspek at nagpaputok dahilan para paputukan siya ng mga pulis.

Nakuha kay Dichoso ang hinihinalang shabu na tinatayang P1,000 ang halaga.

Sa hiwalay na operasyon sa Brgy. Delos Angeles sa Buhi, Camarines Sur nasawi naman ang suspek na si John Alfred Lleno, 33 anyos.

Ito ay matapos na mauwi din sa engkwentro ang ikinasang operasyon n gmga pulis laban sa kaniya.

Nakuha kay Lleno ang 12 sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P15,000 ang halaga.

Nakuhanan din siya ng isang calibre 38 na revolver at apat na mga bala.

Read more...