Water level ng Angat dam muling bumaba sa 202-meter level

Bumaba na muli sa 200-meter level ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa update ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong araw (Feb. 13) nasa 202.97 meters na lang ang antas ng tubig sa Angat dam.

Malayo ito sa normal high-water level ng dam na 212 meters.

Samantala, nabawasan din ang antas ng tubig sa Ipo dam at La Mesa dam na nasa 100.14 meters at 77.72 meters.

Nabawasan din ang water level ng Binga, San Roque, Pantabangan, Magat at Caliraya.

Habang nadagdagan naman ng bahagya ang water level ng Ambuklao dam.

Read more...