Malamig pa rin ang temperatura sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw sa kabila ng bahagyang paghina ng amihan.
Kabilang sa nakapagtala ng mababang temperatura alas 5:00 ng umaga ngayong Huwebes (Feb. 13) ang mga sumusunod na lugar:
PAGASA Science Garden, QC – 20.8 degrees Celsius
Baguio City – 12 degrees Celsius
Tanay, Rizal – 19 degrees Celsius
Laoag City – 20.2 degrees Celsius
Clark, Pampanga – 20.6 degrees Celsius
Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, bahagyang humina ang amihan, pero sa susunod na linggo ay muling mararamdaman ang bugso nito.
Tatagal ang pag-iral ng amihan sa bansa hanggang sa matapos ang buwan ng Pebrero.
READ NEXT
Ebola outbreak sa Democratic Republic of the Congo nananatiling public health emergency of international concern – WHO
MOST READ
LATEST STORIES