Ebola outbreak sa Democratic Republic of the Congo nananatiling public health emergency of international concern – WHO

Nananatiling public health emergency of international concern ang Ebola outbreak sa Democratic Republic of the Congo.

Ayon sa World Health Organization (WHO), itinuturing pa ring high nationally at regionally ang banta ng paglaganap ng sakit.

Pero mababa naman na ang tsansa ng pagkalat nito sa iba pang panig ng mundo.

Nakatakdang magtungo sa Congo si WHO head Tedros Adhanom Ghebreyesus para makausap ang pangulo ng naturang bansa.

Sa ngayon ayon sa WHO, umabot na sa 2,200 ang nasawi sa Ebola sa Congo.

Maliban sa ebola, marami na ring nasawi sa sakit na tigdas sa naturang bansa na umabot na sa 6,300.

Read more...