Armas at bala nakumpiska sa bahay ng isang negosyante sa Butuan City

Inaresto ang isang negosyante matapos makuhanan ng armas at bala sa kanyang bahay sa Butuan City.

Sa bisa ng search warrant pinasok ng mga pulis at mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang
palapag na bahay ng negosyanteng si Rey Carmona sa Purok 1, Barangay Cabinet, Cabadbaran City, umaga ng
Miyerkules.

Ayon kay Mario Minor, regional director ng NBI Caraga, ang search warrant ay base sa impormasyong natanggap nila na
may ilang personalidad na nagngangalang Rey Carmona, Florence Carmona, Fernando Lolor at iba pa na nagpapatakbo
ang isang private armed group sa Cabadbaran City.

Ginagawang safe house umano ng private armed group ni Carmona ang pangalawang palapag ng bahay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa poposibleng koneksyon ng grupo sa mga ilegal na gawain sa Caraga.

Hindi naman nagbigay ng pahayag si Carmona na sa ngayon ay nakakustodiya ngayon sa NBI Caraga.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition si Carmona habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga pulis.

Read more...