Droga at baril nakumpiska sa isang pintor sa Las Piñas

Arestado ang isang pintor matapos mahulihan ng droga at baril sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Las Piñas Police Community Precinct 7 sa CRM Avenue, Barangay Almanza 1.

Nakilala ang naaresto na si alyas Alex, 25 taong gulang.

Base imbestigasyon nina Police Chief Master Sgt. Rene Mollenido at Police Senior Master Sgt. Joswey Tobias, nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga otoridad sa Barangay Almanza 1.

Nakumpiska sa suspek ang isang caliber .38 revolver na walang kaukulang dokumento at isang sachet ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P5,000.

Read more...