Lalaki patay sa pananambang sa Mandaluyong

Patay ang isang lalaki makaraang tambangan nang hindi nakilalang mga suspek sa Mandaluyong City.

Nangyari ang aksidente sa Barangay Hagdang Bato Itaas.

Ayon sa Mandaluyong City Police nasa bahagi ng Neptali Gonzales Street ang biktimang si Virgilio Soriente Jr., nang dumating ang dalawang lalaki at saka siya pinagbabaril.

Inaalam pa kung may kaugnayan sa ilegal na droga ang krimen dahil si Soriente ay dati nang nakulong dahil sa kasong may kaugnayan sa illegal drugs.

Read more...