Nangyari ang aksidente bago mag alas 10:00 ng gabi kung saan marami pang tao sa bahagi ng Baclaran dahil araw ng Miyerkules.
Ayon kay Major Jolly Santos ng Parañaque Police Community Precinct 11, bigla na lamang umandar ng mabilis ang kulay itim na Toyota Fortuner at nasagasaan ang mga naglalakad.
Inararo din nito ang apat na motorsiklo, isang e-bike at 3 card ng mga vendor.
Ang mga nasugatan na kinabibilangan ng 6 na babae at 4 na lalaki ay pawang dinala sa San Juan De Dios Hospital.
Tatlo sa kanila ay malubha ang kondisyon.
Nasa presinto naman na ang driver ng SUV na si Allan Respecia na nagsabing bigla na lamang nag-accelerate ang kaniyang sasakyan.
Sinabi ni Soriano na malinaw na human error ang sanhi ng aksidente dahil sa halip na preno ay maaring silinyardor ng sasakyan ang naapakan ng driver.
Mahaharap si Respecia sa kasong reckless imprudence resulting in multiple physical injury at damage to property.