Estudyante patay, 7 pa ang sugatan nang araruhin ng jeep sa Makati

Patay ang isang estudyante habang sugatan ang pitong iba pa nang araruhin sila ng isang pampasaherong jeep habang tumatawid sa JP Rizal, Makati City.

Sa kuha sa CCTV, tumatawid sa pedestrian lane ang grupo ng mga estudyante nang dumating ang rumaragasang jeep.

Sa lakas ng pagkakabangga ang iba sa kanila tumilapon pa.

Nangyari ang aksidente alas 7:25 ng gabi habang pauwi ang mga mag-aaral galing eskwelahan.

Hawak na ng Makati City police ang driver ng jeep na si Crizalde Tamporong.

Read more...