Magnitude 3.5 na lindol tumama sa Kiamba, Sarangani

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Kiamba, Sarangani Miyerkules ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa 57 kilometers Southeast ng Kiamba bandang 10:29 ng gabi.

May lalim ang lindol na 27 kilometers at tectonic ang dahilan.

Dahil dito, naitala ang instrumental intensity 1 sa mga sumusunod na lugar:
– Kiamba at Alabel, Sarangani
– General Santos City

Sinabi ng Phivolcs na walang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...