Ayon kay Albano, malaking pressure sa kanila ang mga mismong pahayag ng pangulo na ayaw na ma-renew ang prangkisa ng media network.
Gayunmam, iginiit nito na wala namang direktang pressure na sinasabi sa kanila si Pangulong Duterte.
Sinabi nito nape-pressure din sila sa lumalabas na balita partikular sa ABS-CBN na mistulang nakakasama na rin sa imahe ng buong Kongreso.
Hiniling naman nito sa Ehekutibo at broadcast giant na gawin ang kanilang tungkulin.
Tiniyak naman ng mambabatas na ginagawa ng Kamara ang lahat ng kanilang trabaho kaugnay sa usapin ng prangkisa ng ABS-CBN na nakatakda namang mapaso sa March 30, 2020.