Pamahalaang lokal ng Pasig City, magbibigay ng cash incentives sa elementary at HS honor students

Magbibigay na ang lokal na pamahalaan ng Pasig City ng cash reward sa mga elementary at high school honor student
sa lungsod.

Pinirmahan na ni Mayor Vico Sotto ang resolusyon para sa pagbibigay ng cash rewards sa mga elementary at high school students na may honors.

Sa Twitter, makikita ang larawan ng pagpirma ng alkalde sa resolusyon.

Nakasaad sa resolusyon na makakatanggap ng tig-P1,500 ang elementary students na makakapagtapos na may highest
honors o pinakamataas na pagkilala.

Tig-P1,000 naman ang may high honors at tig-P500 sa elementary students na may honors.

Para naman sa Senior High School students, makakatanggap ng P3,000 ang magtatapos na may pinakamataas na
pagkilala.

Tig-P1,000 sa high honors habang tig-P500 naman sa may honors.

Read more...