Ito ang iginiit ni WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abesayinghe kasunod ng iba’t ibang ispekulasyon sa pinagmulan ng COVID 19.
Isa rito ay ang paniki na sinasabing pinagmulan umano ng virus.
Maging sa social media ay may kumalat pang mga larawan na mga mukhang Chinese na kumakain ng bat soup o sinabawang paniki.
Matatandaan na ang Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o kilala sa tawag na MERS-CoV ay isang uri ng zoonotic virus.
Ibig sabihin, mula sa hayop ay nailipat ito sa tao.
Giit ni Abesayinghe, mananatiling theory lamang ang mga ito hanggat hindi napapatunayan ang katotohanan.