Inihayag ng PAGASA na maninipis na kaulapan ang umiiral sa Silangang bahagi ng bansa.
Sa weather update bandang 4:00 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Raymond Ordinario na bahagyang makapal ang ulap sa parte ng Eastern Visayas, Caraga at Davao region.
Dahil dito, posible aniyang makaranas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan sa nasabing lugar bunsod ng Northeast Monsoon o Amihan.
Maaari aniyang magkaroon ng isolated light rains sa Southern Luzon.
Magiging maaliwalas naman aniya ang lagay ng panahon sa nalalabing parte ng bansa kabilang ang Metro Manila.
Sinabi pa nito na asahan pa rin ang malamig na panahon sa malaking bahagi ng bansa sa araw ng Huwebes, February 13.
Ani Ordinario, wala pa ring inaasahang mabubuo o papasok na sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na tatlo hanggang limang araw.