Paiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ulat na kasama sa narcolist si Lt. Col. Jovie Espenido, ang poster boy ng punong ehekutibo sa kanyang kampanya kontra sa ilegal na droga.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, gagawin ito ng pangulo kapag natanggap na ang opisyal na ulat mula sa Philippine National Police (PNP).
Sa personal na pananaw ni Panelo, malabong makasama sa narcolist si Espenido.
Matatandaang makailang beses nang pinuri ni Pangulong Duterte si Espenido dahil sa pagkakapatay sa mga pinaghihinalaang bigtime drug lord na sina Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at Albuera Mayor Rolando Espinosa.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Panelo:
WATCH: Presidential Spokesman Salvador Panelo on Lt. Col. Jovie Espenido being in the narco-list of the President: Malabo yun. @dzIQ990 pic.twitter.com/x96x4K4tUr
— chonayuINQ (@chonayu1) February 12, 2020