Palasyo, hindi na nagulat sa banat ng US na maling diskarte ang pagbasura sa VFA

Hindi na ikinagulat ng Palasyo ng Malakanyang ang naging pahayag ni U.S. Secretary of Defense Mark Esper na maling landas ang tinatahak ng Pilipinas nang ibasura na ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, malinaw kasi na ang VFA ay higit na naging paborable at kapaki-pakinabang lamang sa Amerika.

Tiyak din kasi aniyang maapektuhan ang strategic defensive positioning ng Amerika ngayong wala na ang VFA.

“Such a commentary is expected given that the VFA favors the US and its abrogation affects its global strategic defensive positioning,” ayon kay Panelo.

Nanindigan pa si Panelo na nasa tamang direksyon ang Pilipinas at dapat na matagal nang ginawa.

“From our point of view however, the decision to terminate the VFA is a move in the right direction that should have been done a long time ago,” dagdag pa nito.

Panahon na aniya na palakasin ang saraling depensa ng Pilipinas.

Ayon kay Panelo, hihina lamang kasi aniya ang defense mechanism ng Pilipinas kung palaging aasa sa ibang bansa.

Panahon na aniya na tumayo sa sariling paa ang Pilipinas para protektahan ang kalayaan at soberenya.

“It is about time that we strengthen our defense capabilities. Reliance on another country for our own defenses against the enemies of the state will ultimately weaken and stagnate our defense mechanisms. We must stand on our own and put a stop to being a parasite to another country in protecting our independence and sovereignty,” ani Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na ang desisyon ni Pangulong Duterte na ibasura ang VFA ay nakaangkla sa pagbalangkas ng independent foreign policy kung saan binibigyang halaga ang interes ng taong bayan.

Gaya aniya ng kasabihan ni Pangulong Duterte na “We are friends to all, enemies to none,” mananatili ang Pilipinas na kaibigan sa lahat ng bansa subalit hindi hahayaaan na bastusin ang soberenya ng bansa.

Read more...