Ayon kay House Minority Leader Buenvenido Abante, 18 lamang ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Taiwan na mas mababa kumpara sa mahigit 40 kaso sa Singapore.
Sinabi ng lider ng minorya na pabor sa China ang hindi pagpapatupad ng travel ban sa Singapore dahil dumaraan sa naturang bansa ang mga shipment mula sa China patungong Pilipinas.
Para naman kay Marikina Rep. Bayani Fernando na dapat pag-isipan ng gobyerno ang ipinapatupad na travel ban sa Taiwan.
Paliwanag nito, sa halip na direct flight mula sa China patungong Pilipinas ay dumadaan muna ang mga ito sa Singapore kaya dapat itong tingnan mabuti ng pamahalaan.
Iginiit naman ni Iligan City Rep. Frederick Siao na kailangang maalis ang travel ban sa Taiwan lalo na’t may ginagawa naman aniyang sapat na pag-iingat ang naturang bansa kontra COVID-19 at mas makabago ang health care system doon.
Hindi anya kailangang umiral ang geopolitics at hindi naman lalabagin ang One China policy kung aalisin ang ban.