KAPA founder Pastor Joel Apolinario, ipinaaaresto na ng korte sa Bislig City

Ipinag-utos na ng isang korte sa Bislig City, Surigao del Sur ang pag-aresto kay KAPA Founder Pastor Joel Apolinario at iba pang opisyal ng KAPA Community Ministry International.

Ito ay dahil sa kasong may kinalaman sa malawakang investmest scam.

Ayon sa Security Exchange Commission o SEC, ang Bislig City Regional Trial Court (RTC) Branch 29 ay nag-isyu ng warrants of arrest noong February 11 laban kina Apolinario, Trustee Margie Danao at Corporate Secretary Reyna Apolinario.

Kasama rin sa pinahuhuli ay sina Marisol Diaz, Adelfa Fernandico, Moises Mopia at Reniones Catubigan.

Ang warrants of arrest ay inilabas makaraang magsampa ang mga prosecutor ng Department of Justice o DOJ ng criminal charges laban sa KAPA dahil sa paglabag sa Republic Act No. 8799 o Securities Regulation Code.

Matatandaan na noong June 2019, mismong si Presidente Rodrigo Duterte ang nag-utos na ipasara ang KAPA dahil sa isyu ng katiwalian.

Inaakusahan ang KAPA ng paghimok sa mga tao partikukar ang kanilang mga miyembro na mag-invest sa kanila ng hindi bababa sa P10,000 hanggang P2 milyon, kapalit ng 30% na monthly return habambuhay.

Nadiskubre rin ng mga otoridad na ang KAPA ay dawit sa Ponzi scheme na isang investment program na nag-aalok ng sobrang laking halaga ng pera para makapagbigay sa investors ngunit gamit ang salaping mula sa mga bagong investor.

Read more...