Tulak ng droga timbog sa buy-bust operation sa Lucena, Quezon

Inquirer file photo

Arestado ang isang hinihinalang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Lucena, Quezon Miyerkules ng umaga.

Batay sa ulat ng Lucena police, positibong nakabili ang pulis na nagsilbing poseur buyer sa operasyon ng ilegal na droga sa suspek na si Bryan Aristotelis, 31-anyos.

Isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay 7 dakong 11:50 ng umaga.

Nakuha sa suspek ang pitong pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,300.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...