Sa huling tala ng Department of Health (DOH) hanggang Miyerkules ng tanghali, February 12, nasa 408 na ang PUI sa bansa.
Sa nasabing bilang, 238 na kaso ang nananatili pa ring naka-confine sa ospital habang 165 ang na-discharge na.
Nasa 208 na kaso naman ang nagnegatibo sa mga isinagawang test sa nasabing sakit.
Samantala, sa press conference, inihayag ni Health Undersecretary Eric Domingo na wala pa ring matibay na ebidensya na isang airborne disease ang COVID-19.
Dahil dito, hindi pa rin aniya nababago ang abiso ng kagawaran hinggil sa paggamit ng mask.
Sa ngayon, ani Domingo, limitado na ang suplay ng mask sa bansa.
Giit nito, hanggang hindi pa napapatunayang airborne ang COVID-19 ay dapat i-conserve ang suplay para sa mga nangangailangan tulad ng mga may sakit o may problema sa kanilang immune system.