CA panel inirekomenda ang kumpirmasyon sa bagong AFP chief

Inirekomenda ng committee on national defense ng Commission on Appointment ang kumpirmasyon sa bagong pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si General Felimon Santos Jr.

Walang miyembro ng komite na tumutol para irekomenda ang kumpirmasyon ni Felimon.

Ididiretso na sa CA plenary ang rekomendasyon ng panel.

Bago naging AFP Chief si Felimon ay naging commander ng 7th Infantry Division ng Philippine Army at commander ng Eastern Mindanao Command.

Read more...