Lubang, Occidental Mindoro niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Occidental Mindoro.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 32 kilometers Northwest ng bayan ng Lubang, alas-8:45 ng umaga ng Miyerkules (February 12).

Naitala naman ang instrumental intensity 1 sa Olongapo City.

May lalim na 32 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.

Read more...