Pulis patay nang manlaban ang suspek sa ikinasang buy-bust sa Cebu City

Isang pulis ang nasawi sa ikinasang buy-bust operation sa Cebu City.

Nakilala ang pulis na si Police Master Sergeant Maximino Dayanan Macua Jr., na mula sa PNP-Drug Enrforcement Group sa Central Visayas.

Ikinasa ang buy-bust operation ng mga pulis sa Tabada Street sa Barangay Mambaling.

Dalawang suspek ang target ng operasyon na kapwa nagpaputok ng baril nang matunugan na pulis ang katransaksyon.

Nakatakas ang dalawa sakay ng motorsiklo.

 

Read more...