2 Pinoy na kabilang sa inilikas mula Wuhan, nakitaan ng sintomas ng coronavirus – DOH

2 Pinoy mula sa 32 na inilikas sa Wuhan City, China ang inoobserbahan ngayon dahil sa sintomas ng coronavirus.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III mayroong diarrhea ang dalawa na kabilang sa mga naka-quarantine sa Athletes’ Village sa New Clark City sa Tarlac.

Maliban sa lagnat, ubo, at sipon, kabilang ang diarrhea sa sintomas ng coronavirus disease.

Sinusuri na ang dalawa para matiyak na siya ay hindi nahawaan ng nakamamatay na sakit.

Sa ngayon ayon sa DOH ay maayos naman ang kondisyon ng dalawa.

Read more...