101 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa magdamag

FILE PHOTO
Sa nakalipas na 24 na oras ay nakapagtala ng 101 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal.

Ayon sa 8AM Taal Volcano Bulletin ng Phivolcs, pawang mahihina ang pagyanig pero senyales ito ng paggalaw pa rin ng magma sa loob ng bulkan.

Sa nakalipas na magdamag ay nagkaroon pa rin ng mahinang pagbubuga ng steam-laden plumes mula sa crater ng bulkan na ang taas ay nasa 50 hanggang 100 meters.

Nasukat naman ang inilabas na Sulfur dioxide (SO2) ng Taal na umabot sa 67 tonnes/day ang average.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Taal Volcano at ayon sa Phivolcs dapat pa ring maging alerto ang publiko sa posibleng pagkakaroon ng mahinang phreatomagmatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall, at lethal volcanic gas expulsions.

Read more...