1 patay, 8 sugatan sa aksidente sa CamSur

Isa ang nasawi habang hindi bababa sa walo ang nasugatan sa aksidente na naganap sa Camarines Sur.

Alas 2:00 ng madaling araw ng Miyerkules, Feb. 12 nang magkasalpukan ang dalawang pampasaherong bus sa Andaya Highway, Barangay Sinuknipan sa bayan ng Del Gallego.

Sa inisyal na ulat ng Del Gallego Municipal Police Office, patungo ng Bicol ang Silver Star Bus habang ang DLTB Bus ay patungo naman ng Maynila.

Nag-overtake umano ang sa isang truck ang DLTB bus at nasalpok nito ang kasalubong na Silver Star.

Naipit sa kaniyang upuan ang driver ng Silver Star.

Ginagamot naman sa ospital ang mga nasugatan.

 

Read more...