Pinara ang van para siyasatin kung mayroong kaukulang dokumento at rehistro.
Gayunman, walang naipakitang Official Receipt (OR) at Certificate of Registration (CR) ang driver ng van kaya kinuha ng team ang chasis number nito para maipa-verify sa LTO.
Kalaunan ay natuklasan na ang rehistro ng van ay expired na noon pang 2016.
Nadiskubre din na ang nasabing sasakyan ay nakaalarma sa LTO at dati nang naharang dahil sa pagsasakay ng 61 piraso ng narra lumber sa Bokod, Benguet.
Ang naturang sasakyan ay ginagamit bilang government vehicle ng DENR-CAR.