Water level ng Angat dam nabawasan pa sa magdamag

Nabawasan sa magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.

Sa datos mula sa PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ay nasa 203 meters ang water level ng dam.

Mas mababa kumpara sa 203.14 meters na water level nito kahapon.

Nawasabn din ang water level ng Ipo dam at La Mesa dam na nasa 100.15 meters at 77.74 meters.

Ang water level ng San Roque, Pantabangan, Magat at San Roque dam ay pawang nabawasan din.

Habang nadagdagan naman ang antas ng tubig sa Ambuklao at walang pagbabago ang water level ng Binga dam.

Read more...