Nakapagtala ng malamig na temperatura ang PAGASA sa malaking bahagi ng bansa ngayong umaga ng Miyerkules, Feb. 12.
Ayon kay PAGASA weather specialist Chris Perez, apektado pa rin ng Amihan ang buong bansa.
Alas 5:00 ng umaga naitala ang 19.6 degrees Celsius sa PAGASA Science Garden sa Quezon City.
Naitala naman ang minimum na temperatura sa sumusunod na mga lugar:
Baguio City – 11.6 degrees Celsius
Pampanga – 19.4 degrees Celsius
Laoag City – 19.4 degrees Celsius
Tanay, Rizal – 18 degrees Celsius
Ngayong linggo sinabi ni Perez na bahagyang hihina ang Amihan kaya maaring mainit ang panahon sa Valentine’s Day.
Muli namang mararanasan ang bugso ng Amihan sa susunod na linggo.
READ NEXT
Death toll sa COVID-19 umakyat na sa 1,112; 94 na panibagong nasawi naitala sa Hubei Province
MOST READ
LATEST STORIES