Death toll sa COVID-19 umakyat na sa 1,112; 94 na panibagong nasawi naitala sa Hubei Province

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ng 94 na panibagong bilang ng mga nasawi sa Hubei Province sa China dahil sa coronavirus diseas o COVID-19.

Dahil dito, mula sa 1,018 na death toll kahapon ay umakayat na sa 1,112 ang bilang ng mga nasawi sa sakit.

1,110 ay mula sa China, isa sa Hong Kong at isa sa Pilipinas.

Umakyat naman na sa 44,789 ang naitalang kaso ng sakit sa buong mundo.

Malaking bilang nito o 44,311 ay naitala sa China.

Sa Japan mayroon nang 163 na kumpirmadong kaso, 49 sa Hong Kong, 47 sa Singapore, 33 sa Thailand at 28 sa South Korea.

 

Read more...