Lalaki arestado sa buy-bust operation sa Parañaque

Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Coastal Mall, Barangay Tambo,
Parañaque.

Nakilala ang suspek na si alyas Erick, residente ng Purok 6, Area D, Sapang Palay, Bulacan.

Ayon kay Police Senior Master Sgt. Ellan Sagario, ikinasa ng Parañaque Police drug enforcement unit ang buy-bust operation sa Coastal Mall, target ng operasyon si alyas Erick.

Agad naaresto ang suspek matapos positibong makabili ng Dalawang-daang pisong droga ang police poseur buyer.

Nakumpiska sa suspek ang 4 na sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P10,000 at buy-bust money.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspek.

Read more...