Ayon sa PAGASA, apektado pa rin ng Amihan ang buong bansa.
Dahil dito, ayon sa PAGASA, sa Metro Manila 19 degrees Celsius ang inaasahang minimum na temperatura ngayong araw habang 11 degrees Celsius ang inaasahang minimum na temperatura sa Baguio City.
Para sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, dahil sa Amihan, makararaas ng maulap na papawirin na mayroong mahihinang pag-ulan sa Bicol Region, Eastern Visayas, Caraga, Davao Region at sa lalawigan ng Aurora at Quezon.
Bahagyang maulap na papawirin naman na mayroong isolated na pagpulan ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.
Sa mga susunod na araw ay hihina naman na ang Amihan dahil iiral ang hangin na mula sa Pasific Ocean.
Wala namang inaasahang mabubuong bagyo o Low Pressure Area sa loob ng bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
Dahil sa lakas ng hangin na dulot ng Amihan nakataas ang gale warning sa mga baybaying dagat ng Northern at Eastern Coasts ng Northern Samar, Eastern Coast ng Eastern Samar, Siargao, Surigao Del Sur, at sa Eastern Coast ng Davao Oriental.