3 lalaki arestado dahil sa droga sa Pampanga

Timbog ang tatlong lalaki dahil sa droga sa Barangay Tinajero, Bacolor sa Pampanga.

Nakilala ang mga naaresto na sina Jobert Tongol, 22 taong gulang, Richard Laxamana, 32 taong gulang, at Jeev De Leon, 36 taong gulang.

Ayon sa drug enforcement unit ng Bacolor Police, pinasok nila ang bahay ng tatlong drug suspect matapos magpositibo ang pagbili ng droga ng police poseur buyer.

Nakumpiska sa tatlong suspek ang 6 na sachet ng hinihinalang shabu at ang P500 marked money.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang tatlong suspek.

Read more...