Bangkay ng lalaki natagpuan sa QC

Natagpuan ang bangkay ng isang lalaki na nakagapos ang mga kamay at nakapiring sa gilid ng kalsada sa 7th Avenue kanto ng Liberty Avenue, Barangay Socorro, Cubao, Quezon City, madaling araw ng Miyerkules (February 12).

Hindi pa nakikilala ang biktima.

Ayon sa mga taga-Barangay Socorro, bandang 1:45 ng madaling araw ay may nakarating sa kanilang ulat kaugnay sa bangkay ng lalaki na nasa gilid ng kalsada.

Dagdag pa ng mga taga-barangay, dalawang bata umano ang nakakita sa isang SUV na dumaan sa pinangyarihan ng krimen at may apat na putok ng baril silang narinig bago nila nakita ang bangkay.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Read more...