12 arestado sa pagsusugal isang lamay sa QC

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang sampung katao matapos mahuli sa aktong nagsusugal sa magkahiwalay na lamay sa Quezon City.

Ayon kay Police Capt. Edwin Fuggan ng CIDG, unang nadakip ang tatlong lalaki sa isang lamayan sa Brgy. Holy Spirit na nahuling nasusugal ng cara y cruz habang nakikipaglamay.

Sa Barangay Commonwealth naman naaresto ang siyam na iba pa na pawang naglalaro ng baraha sa isa ring lamayan.

Nakumpiska sa kanila ang mga baraha at mga P10 at P50 na ginamit na pang-taya.

Ginawa ang pag-aresto matapos ideklara ng PNP ang pagpapaigiting ng operasyon laban sa pagsusugal kabilang na ang pagsusugal sa lamay.

Ayon kay NCRPO chief Police Major General Debold Sinas, kapag may sugalan sa patay ang unang dapat na gawin ng mga pulis ay kausapin ang kaanak ng namatay para ipahinto ang pagpapasugal.

Kapag nagpatuloy pa rin ang sugalan sa lamay ay doon na magsasagawa ng pagsalakay ang PNP ay huhulihin ang mga nagsusugal.

Hindi naman huhulihin kung walang tayaan sa ginagawang paglalaro ng baraha.

Mahaharap ang mga inarestong suspek sa paglabag sa anti-gambling law.

Read more...