Ayon sa Department of Transportation and Communications (DOTC), gumagana na ngayon ang mga escalators sa mga istasyon ng MRT, matapos sumailalim sa rehabilitation.
Ang P22.11-million project ng DOTC para sa pagsaayos ng mga escalators ay nai-award sa Jardine Schindler Elevator Corporation noong June 2015.
Sa ilalim ng nasabing kontrata, inayos ang 12 mga escalators ng MRT.
Mayroon pang susunod na batch ng escalators na sasailalim sa repair at isisunod naman ang pagbili ng mga bagong elevators upang mapalitan na ang matagal na ring hindi gumaganang mga elevators sa mga istasyon ng MRT.
Ayon kay DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya, makakaasa ang mga pasahero ng mas marami pang proyekto para maisaayos ang serbisyo ng tren.
Samantala, nagpapatuloy pa ang testing static testing sa 48 bagong light rail vehicles (LRVs) para sa MRT-3.
Ang nasabing mga LRV ay sasailalim din sa dynamic testing sa susunod na linggo para suriin ang acceleration at preno nito.