Paglilitis kay Sen. Trillanes sa kasong libel, iniutos ng korte

trillanesIpinag-utos na ng Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 42 ang pagdinig sa kasong libelo laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon sa mababang korte, may probable cause o sapat na basehan para dinggin ang kasong libelo ni Trillanes na isinampa ni dating Makati City Mayor Junjun Binay.

Hindi muna dininig ng Makati RTC ang kaso matapos humiling ng judicial determination of probable cause ang kampo ni Trillanes.

Ang kaso ay kaugnay sa paratang ni Trillanes na tumanggap umano ng suhol na P50 milyon ang dalawang mahistrado ng Court of Appeals kapalit ng pagpapalabas ng temporary restraining order sa suspensyon ni Binay.

Iginiit ng kampo ng alkalde na malisyoso at walang basehan ang mga paratang na ito ng senador.

Sa isinampang kaso, sinabi ni Binay na gawa-gawa lamang ni Trillanes ang nasabing isyu para sadyang dungisan ang kaniyang reputasyon at kaniyang pamilya.

Read more...