Ugnayan ng Pilipinas at Amerika, magiging mainit pa rin kahit ibinasura na ang VFA

Umaasa ang Palasyo ng Malakayang na mananatiling mainit at maayos pa rin ang ugnayan ng Pilpinas at Amerika.

Ito ay kahit na tuluyan nang tinuldukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng dalawang bansa.

Katunayan, ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, umaasa ang Palasyo na mas magiging mainit pa ang
relasyon ng Pilipinas at Amerika.

“It remains warm, hopefully it would be warmer,” ani Panelo.

Paliwanag ni Panelo, napapansin kasi ng Palasyo na kapag binabatikos ng isang bansa ang mga polisiya ng Amerika,
pinagtututuunan ito nang pansin at sinusuyo.

Panay pang-aapi naman aniya ang ginagawa ng Amerika kapag kaalyado ang isang bansa.

“Why because…I’ve been noticing that those who’ve been criticizing the US government policies have been given the
preferential attention of the US government. ‘Pag nababanatan sila sinusuyo nila. Yung mga kakampi nila inaapi nila.
parang ganun ang dating eh,” dagdag pa nito.

Read more...