6 patay, 12 sugatan sa suicide bombing sa Afghanistan

Patay ang anim katao sa suicide bombing sa Kabul, Afghanistan araw ng Martes.

Ayon kay Nasrat Rahimi, tagapagsalita ng Interior Ministry sa nasabing bansa, kabilang sa mga nasawi sa pag-atake sa isang police checkpoint malapit sa Marshal Fahim Military Academy ang dalawang sibilyan at apat na sundalo.

12 katao naman kabilang ang limang sibilyan ang nasugatan sa pag-atake.

Sa ngayon, wala pang grupo na umaako ng responsibilidad sa pagsabog.

Read more...