Ayon sa DPWH, kapapalooban ng mga tulay at kalsada ang nasabing proyekto sa ilalim ng Improving Growth Corridors for Mindanao Road Sector Project.
Ayon sa DPWH, bahagi ng proyekto ay ang pagtatayo ng mahigit pitong kilometrong Gutalac-Baliguian Alternative Road at R.T. Lim-Siocon Road na kapapalooban ng pitong tulay sa Zamboanga del Norte.
Mahigit 33-kilometrong Curuan-Sibuco Road na kapapalooban ng dalawang tulay sa Zamboanga City at Zamboanga del Norte.
Halos 19 na kilometrong Siay-Gapol Road na kapapalooban ng tatlong tulay.
At ang Guicam Bridge sa Zamboanga Sibugay na kapapalooban ng tulay na magkokonekta sa Lutiman Zamoboanga Sibugay at Olutanga Port.
Nai-anunsyo na rin o nailathala ng ahensya noong January 23, 2020 ang gaganaping bidding para sa mga kwalipikadong kontratista.
Habang sisimulan ang pagpopreso nito sa unang kwarter ng 2020 kasunod na din ng itinakdang pre-bid conference sa February 26 at March 17, 2020 ang bidding submission.