Local tourism palalakasin ni Pangulong Duterte sa gitna ng banta ng 2019-nCoV

Pinalalakas pa ni Pangulong Rodrigo Suterte ang local tourism industry sa bansa.

Ito ay sa gitna ng banta sa 2019 novel coronavirus.

Sa pakikipagpulong kagabi ng pangulo sa mga miyembro ng Tourism Industry sa SMX Convention sa Pasay City, sinabi nito na dapat na magsagawa ng hakbang ang lahat para maibsan ang epekto sa turismo ng coronavirus.

Dahil dito dapat aniyang i-promote at palakasin pa ang local tourism industry sa mga local tourists.

Bilang tugon, nangako naman ang mga kumpanya ng major airline sa bansa pati na ang mga may-ari ng hotel na mag-aalok ng discounted rates para mahikayat ang mga lokal na turista na mamasyal.

Hindi maikakaila ayon sa pangulo na maraming magagandang tanawin sa bansa ang accessible na at dapat na bisitahin.

Maganda rin aniya ang public health at law and order situation sa Pilipinas.

Kumpiyansa ang pangulo na makakayanan ng Pilipinas na maayos na matutugunan ang problema sa coronavirus.

Kasama sa pagpupulong kagabi sina Senador Bong Go, Philippine Hotel Owners Association President Arthur Lopez, AirAsia Philippines CEO Ricardo Isla, Philippine Airlines President Gilbert Santamaria, and Cebu Pacific Air President and CEO Lance Gokongwei.

Una nang sinabi ng Department of Tourism (DOT) na umabot na sa P10 bilyon ang nalulugi sa industriya ng turismo dahil sa coronavirus.

Marami nang flights at hotel accommodation na rin ang nakansela dahil sa mga ipinatupad na travel ban bunsod pa rin ng coronavirus.

Read more...