SJDM Mayor Arthur Robes pinangunahan ang mass wedding sa 25 Dumagat couples sa Rising Heart Marker

Isang araw matapos pasinayaan, ay mas naging makabuluhan ang tinaguriang “the Rising HeARt marker” sa San Jose del Monte (SJDM) City ss Bulacan para sa 25 magsing-irog.

Mismong si SJDM Mayor Arthur Robes kasi ang nanguna sa wedding ceremony ng mga miyembro ng Dumagat tribe.

Ang mga Dumagat ay isa sa tanyag na mga tribu ng mga katutubo sa Southern Tagalog region. Bagaman, kilala sila bilang walang permanenteng lugar na tinutuluyan, karamihan sa mga Dumagat ay kasalukuyang nanunuluyan sa 47 government-designated settlement areas. Ang SJDM ay hosts ng isa sa mga settlements na ito.

“This is just one of the many ways for us to embrace the indigenous peoples who are part of our community,” sabi ni Mayor Robes. “They can continue with their traditions but, at the same time, they can be part of the bigger community. They’re one of us. Officiating a wedding ceremony for them is a great honor. I thank them for letting me become a part of their special day.”

Ang mga magkapareha na suot-suot pa ang kanilang mga natatanging kasuotan ay nagpalitan ng “I dos” sa harap ni Mayor Robes na siyang opisyal na nagbuklod sa mga magsing-irog.

Ang Rising HeARt ay pinasinayaan at binuksan sa publiko nitong Pebrero 10 para dagdagan ang kamalayan ng publiko sa pagnanais ng SJDM na makilala ng UNESCO Creative Cities Network (UCCN). Higit sa lahat, ang naturang palatandaan ay palagian magpapaalala sa ating lahat na sa kabila ng dagok na dinaranas natin sa mundo ay dapat mangibabaw ang Kapayapaan, pagmamahal at malasakit sa isa’t-isa. Ang marker na hugis puso na magsisilbing love lock repository.

Sabi pa ni Mayor Robes, “The Rising HeARt marker is really living up to its name. The mass wedding happened at the perfect time, as Valentine’s Day is already very near. There’s no better way to celebrate it.”

End

Read more...