Pambato sa presidential elections ng Pwersa ng Masang Pilipino, umatras na

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Nagpahayag na ng pag-atras sa paglahok sa presidential elections ang pambato ng Pwersa ng Masang Pilipino.

Sa press conference, sinabi ni Romel “Mel” Mendoza, secretary-general ng Kalipunan ng Masang Pilipino o KAMPIL, na ngayong hapon ay ihahain niya ang kanyang pag-atras sa Commission on Elections.

Ayon kay Mendoza, naghain lamang siya ng kandidatura dahil sa pahayag ni Manila Mayor Joseph Estrada na opsyon pa rin niyang na tumakbong pangulo.

Sinabi ni Estrada noon na iniisip niyang tumakbo muling pangulo kung madi-disqualify si Senator Grace Poe at makukulong si Vice President Jejomar Binay.

Sinabi ni Mendoza na kinausap siya noon ni Sen. Jinggoy Estrada para maghain ng kandidatura habang hinihintay pa ang pinal na desisyon ni Erap.

Sakali kasing magpapasya si Erap na tumakbo ay hahalili siya kay Mendoza.

Gayunman dahil sa mas pinili ng dating pangulo na tumakbo muling alkalde ng Maynila nagpasya na si Mendoza na i-atras ang kandidatura.
Inihayag naman ni Mendoza ang suporta ng kanilang grupo kay Binay.

Nagpasalamat din si Mendoza sa Comelec dahil sa hindi pagturing sa kaniyang nuisance candidate.

Read more...