China hindi aatake sa Pililinas kapag wala na ang VFA

Photo grab from PCOO’s Facebook live video
Kumpiyansa si Pangulong Rodrigo Duterte na walang gagawing pag-atake ang China laban sa Pilipinas.

Ito ay kahit na tuluyan nang maibasura ng Pilipinas ang Visiting Forces Agreement (VFA).

Sa talumpati ni Pangulong Duterte Lunes ng gabi sa meeting ng Local Chief Executives sa Pasay City, sinabi nito na hindi sasaktan at papatulan ng China ang bansa basta’t siguraduhin lamang na walang gagawing masama ang Pilipinas laban sa kanila.

Ayon sa pangulo, kahit na maligo pa si Chinese President CXi Jinping sa Palawan ay walang problema sa kaniya.

Kasabay nito, sinabi ng pangulo na naiintindihan niya ang sentemyento ng ilang cabinet officials na tutol na ibasura ang VFA.

Ayon sa pangulo, nagsipagtapos kasi sa Philippine Military Academy (MPA) ang ilang cabinet officials at nakaapag[-training sa Amerika kung kaya hindi maiwasan na kumiling sa kanila.

Pero sa ngayon, pursigido na si Pangulong Duterte na ibasura ang VFA.

Matatandaang ibinunyag ng pangulo na sinubukan pa ni US President Donald Trump na isalba ang VFA, subalit hindi na siya pumayag dahil sa masyado na aniyang naging bastos ang Amerika.

Ikinagagalit ng pangulo ang hirit ng Amerika na palayain si Senator Leila De Lima bagay na pakikialam na aniya sa panloob na usapin ng Pilipinas.

Read more...