Ayon kay Pimentel, maaring hindi magsalita ang mga kongresista at maghayag ng kanilang suporta sa franchise renewal.
Malinaw na senyales din aniya ito sa mga mambabatas na dadalo sa hearing na pabor sa renewal ay magbago ng isip para hindi na magsalita dahil kumikilos ang ehekutibo para sa kanselasyon ng prangkisa.
Inihalimbawa ni Pimentel ang kaso ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno mayroong quo warranto case na inihain ng OSG na nagresulta sa pagpapatalsik niya sa puwesto.
Si Pimental ay isa sa pangunahing may akda ng House Resolution 639 na inihain noong Enero na nananawagan sa House Committee on legislative franchise na ilabas na ang consolidated version ng 11 nakabinbing panukala sa renewal ng naturang prangkisa.
Iginiit niya na malaking problema kapag nawalan ito ng prangkisa ang ABS CBN dahil sa 11,000 empleyado ang mawawalan ng trabaho bukod pa sa pagsupil din ito sa freedom of the press.