P68M na halaga ng shabu nakumpiska sa 2 dayuhan sa QC

Arestado ang dalawang dayuhan makaraang mahulihan ng tinatayang 10 kilo ng hinihinalang shabu sa Quezon City.

Ikinasa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang buy-bust operation sa Roces Avenue sa Barangay Paligsahan sa lungsod.

Ayon sa PDEA sa kanilang pagtaya aabot sa 10 kilo ang shabu na nakumpiska sa mga suspek na pawang Nigerian nationals.

Tinatayang aabot sa P68 million ang halaga ng mga ilegal na droga.

Read more...