Ito ay makaraang magpasya ang gobyerno na sakupin rin ng ipinatutupad na travel ban ang Taiwan.
Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia na dahil sa pagkakasama ng Taiwan sa travel ban, maging ang mga paalis na OFW ay hindi papayagang bumiyahe.
Nakipag-ugnayan na rin ang POEA sa mga agency para abisuhan ang employers ng mga dapat ay paalis na OFW na maaantala ang kanilang pagdating sa Taiwan dahil sa umiiral na ban.
Pero kahapon bago pormal na mapasama sa ban ang Taiwan ay may mga nakaalis nang OFW.
Sinabi ni Olalia na makakauwi pa rin naman sa Pilipinas ang mga OFW galing Taiwan na magbabakasyon.
Pero kailangan nilang sumailalim sa mandatory na 14-day quarantine na ipinatutupad ng pamahalaan.