LTFRB nag-isyu ng guidelines sa pagsasakay ng alagang hayop sa PUVs; mga alaga dapat payagang isakay mga pampublikong sasakyan

Nagpalabas ng guidelines ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagsasakay ng mga alagang hayop sa mga pampublikong sasakyan.

Sa inilabas na memorandum circular ng LTFRB, epektibo kahapon, Feb. 10 ang mga pet animals gaya ng pusa at aso ay dapat pinapayagan na isakay sa mga PUVs.

Kailangan ding sundin ang sumusunod na alituntunin sa pagsasakay ng alagang hayop sa mga PUVs:

– Ang alagang hayop na isasakay sa bus, jeep, UV Express at P2P bus ay dapat nakalagay sa cage o animal carrier at dapat walang foul odor
– Ang pasahero na may-ari ng alagang hayop ay dapat tiyaking naka-diaper ang kaniyang alaga para mapanatili ang kalinisan at sanitation sa PUV
– Ang laki na alagang aso na papayagan sa PUVs ay dapat nasa pagitan ng small to medium size lamang. Ang large to giants na mga aso ay hindi pwedeng isakay sa PUVs
– Ang alagang hayop na nasa cage o carrier ay ilalagay sa tabi ng owner at babayaran ng karampatang halaga ng pamasahe.

January 27, 2020 pa inaprubahan ang memorandum at kahapon naging epektibo matapos maisapubliko.

Read more...